BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Thursday, September 22, 2011

U-Kiss is my medicine!

        Oh yes! Masasabi kong isang gamot ang U-Kiss sa akin. Lalo na sa isang pangyayaring hindi ko inaasahan na mangyayari din sa akin. Isang pangyayaring hinding-hindi ko malilimutan sa aking buong buhay. Nagsilbi silang isang gamot upang maging masaya at magkaroon ng isang kakampi sa mga sandaling kailangan ko ng masasandalan, at habang wala akong masabihan ng aking saloobin sa mga panahong iyon, habang wala ang aking mga magulang sa oras na sila'y aking kailangan.

         Sila ang nagpapasaya sa akin habang ako'y nasa kalituhan pa. Hindi ko talaga alam gagawin ko noong mga panahong iyon. Hindi ko alam kung sasabihan ko na magulang ko o hindi. Pero minsan ay talagang dinadaan ko na lang sa iyak. But everytime na napifeel ko na gusto ko ng mag-give up, panuorin at pakinggan ko lang mga songs nila ay talaga namang bumabalik ang dati kong sigla.

         Hindi ko alam kung bakit pero yun ang katotohanan, OA man para sa iba ay wala akong pakialam. Mahirap din ang pinagdaanan kong iyon, hindi ko nga lang masabi dito at maraming magugulat at saka baka magkagulo pa. We decided to keep it na lang, kung baga sa family na lang namin. Pero may ilang friends din ako na napagsabihan ko nito, sana naman huwag nila ipagsabi. May tiwala naman ako sa inyo guys, huwag niyo sanang ipagsabi hah! :) Alam niyo na kung sinu-sino kayo! hehe


          Hindi ko man sila kilalang lubusan at lalong hindi nila ako kilala ay malaki pa rin ang pagpapasalamat ko sa kanila. Sa oras na ako'y sagad na sa kalungkutan, ako'y pinasaya ninyong tunay! So proud to be Kiss Me talaga! I love U-Kiss! Saranghae! hahaha

0 comments: