BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Thursday, September 22, 2011

U-Kiss is my medicine!

        Oh yes! Masasabi kong isang gamot ang U-Kiss sa akin. Lalo na sa isang pangyayaring hindi ko inaasahan na mangyayari din sa akin. Isang pangyayaring hinding-hindi ko malilimutan sa aking buong buhay. Nagsilbi silang isang gamot upang maging masaya at magkaroon ng isang kakampi sa mga sandaling kailangan ko ng masasandalan, at habang wala akong masabihan ng aking saloobin sa mga panahong iyon, habang wala ang aking mga magulang sa oras na sila'y aking kailangan.

         Sila ang nagpapasaya sa akin habang ako'y nasa kalituhan pa. Hindi ko talaga alam gagawin ko noong mga panahong iyon. Hindi ko alam kung sasabihan ko na magulang ko o hindi. Pero minsan ay talagang dinadaan ko na lang sa iyak. But everytime na napifeel ko na gusto ko ng mag-give up, panuorin at pakinggan ko lang mga songs nila ay talaga namang bumabalik ang dati kong sigla.

         Hindi ko alam kung bakit pero yun ang katotohanan, OA man para sa iba ay wala akong pakialam. Mahirap din ang pinagdaanan kong iyon, hindi ko nga lang masabi dito at maraming magugulat at saka baka magkagulo pa. We decided to keep it na lang, kung baga sa family na lang namin. Pero may ilang friends din ako na napagsabihan ko nito, sana naman huwag nila ipagsabi. May tiwala naman ako sa inyo guys, huwag niyo sanang ipagsabi hah! :) Alam niyo na kung sinu-sino kayo! hehe


          Hindi ko man sila kilalang lubusan at lalong hindi nila ako kilala ay malaki pa rin ang pagpapasalamat ko sa kanila. Sa oras na ako'y sagad na sa kalungkutan, ako'y pinasaya ninyong tunay! So proud to be Kiss Me talaga! I love U-Kiss! Saranghae! hahaha

Tuesday, September 20, 2011

U-KISS ComeBack [M countdown110908] NEVERLAND

Friday, September 16, 2011

Why Kiss Me 2010?

Kiss Me is a fan club of U-Kiss (Ubiquitos Korean International Idol Superstar). A K-Pop group from South Korea. Isa sila sa mga talagang sumikat dito sa Pilipinas. Aaminin ko na noong una akong nakarinig ng K-Pop ay inis na inis talaga ako. Kasi naman hindi naman nila naiintindihan mga songs nila (Iilan lang talaga kung nakakaintindi ng Korean) ay tinatangkilik pa rin nila ang mga ito. Pero ngayon ay bumaliktad ako haha. Isa na ako sa mga K-Pop fans dito sa Pilipinas. Ngayon ko lang narealized kung bakit talagang nakakaadik ang mga ito, lalo na nga sa U-Kiss.

June 13 2010 nang una ko silang makita at mapanuod sa T.V. Sa Party Pilipinas ko sila unang nasubaybayan dahil na rin sa isang friend ko. Doon ko din unang narinig ang dalawa sa pinakasumikat na kanta nila sa iba't-ibang Asian Countries tulad na nga lang dito sa Pilipinas, ang ManMan Hani (Am I That Easy?) at Binguel Binguel (Round and Round). Ewan ko ba kung bakit ako biglang nagkainteres sa kanila noong araw na iyon. Lalo na nang malaman ko na tatlo sa kanila ay nakakaintindi at nakakapagsalita ng English. And since then, I started to searched them on na sa You Tube and Facebook.

Dahil din sa kanila kaya ako nagkaroon ng different accounts gaya ng Formspring, Tumblr and Twitter na rin wag lang malate sa pag-update ng news about sa kanila. Minsan pa nga nakarating ako sa website nila and I tried to signed up pero sa ngayon di ko na siya naoopen hehe.

Sa ngayon ay naghihintay pa rin ako ng pagkakataon na makanuod ng live sa concert nila if ever na magkaroon uli sila dito sa Pilipinas. Last year kasi di ako nakapaghanda dahil nga new Kiss Me pa lang ako noon. At saka di ko pa sila ganoon kakilala. Pero nagyon I'm still hoping that someday ay talagang makita ko na sila in person. Sana ay makaipon ako haha LoL ^_^.

I love their group because they really love us, the Kiss Mes all over the world! Kaya kahit na may nangyaring di inaasahan sa kanilang grupo, I will support them still. haha U-Kiss Fighting!

Wednesday, September 14, 2011

유키스 (U-KISS) - 0330 MV